Values Education - Quarter 4-W1
Sa nakaraang markahan, nalaman mo ang iba't ibang pagpapahalagang moral na makatutulong upang ikaw ay makapagpasiya at makakilos tungo sa makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, sa kapwa, sa bayan, at sa kapaligiran. Naunawaan mo na ang bawat pasiya at kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at kalakip na pananagutan. Anumang isasagawang pasiya ay kinakailangang pagnilayan at timbangin ang mabubuti at masasamang maaaring idulot nito. Sa pagkakataong ito, pag-uusapan naman natin ang mga isyung moral na nagaganap sa lipunan at susubok sa iyong matatag na paninindigan sa kabutihan sa gitna ng iba't ibang pananaw sa mga isyung ito at mga impluwensiya ng kapaligiran.