Kindergarten 4th Quarter Week 3:Pagpapangkat ng mga Bagay ayon sa Kulay, Hugis, Laki, Tekstura at Timbang
Ang Learning Activity Sheet na ito ay sadyang nakalaan para sa mga mag-aaral ng kindergarten. Nakapaloob dito ang mga gawaing pagpapangkat ng mga kulay, hugis, laki, tekstura at timbang sa pamamagitan ng mga gawain sa pagkatuto/pagsasanay. Sa LAS ding
ito ay masusubok ang iyong kagalingan sa pagtukoy ng mga naiiba sa bawat pangkat.
Ang LAS na ito ay nahahati sa limang (5) aralin:
Aralin 1- Pagpapangkat-pangkat ayon sa Laki
Aralin 2- Pagpapangkat-pangkat ayon sa Hugis
Aralin 3- Pagpapangkat-pangkat ayon sa Tekstura
Aralin 4- Pagpapangkat-pangkat ayon sa Timbang
Aralin 5- Pagpapangkat-pangkat ayon sa Hugis,Kulay,at Laki
KINDERGARTEN 4TH QUARTER WEEK 2: MGA HALAMAN SA AMING KOMUNIDAD
Palagi ka bang sinasabihan ng iyong nanay na kumain ng mga gulay? May mga puno ba kayo na kung saan namimitas ka ng mga bunga?
Ito ay mga karanasang nagpapakita ng kahalagahan ng mga halaman sa ating buhay. Nagbibigay sa atin ang mga ito ng masisilungan kapag mainit ang araw, pagkain sa ating mesa, gamot para sa ating mga sakit, bahay na ating matitirahan, at iba pa. Malaki ang pakinabang natin mula sa mga halaman. Kaya nararapat lamang na suklian natin ang mga kabutihan dulot ng mga halaman sa atin.
Ang mga halaman, tulad natin, ay may mga pangangailangan. Kailangan ng
mga ito ang pangangalaga. Upang magampanan ito, dapat tayong magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga halaman at kung paano dapat pangalagaan ang mga ito. Ito ang tatalakayin sa mga Leaning Activity Sheets na ito.
Kindergarten 4th Quarter Week 1: Ang Mga Alagang Hayop
Isa ang mga hayop na pinaka importante sa ating mundo dahil sila ang nagbibigay ganda sa ating kapaligiran at sila din ang nagproprotekta sa ating kapaligiran at pwede rin nating gawing alaga ang mga hayop para meron tayong pagkakaabalahan katulad ng aso, pusa, ibon at iba pa. Pwede ring natin silang gawing bantay. Sila ang nagbibigay ng saya at sigla sa ating buhay. Ang mga alagang hayop ay itinuturing din narin natin silang kapamilya. Kaya kung meron tayong alagang mga hayop huwag natin silang aabusuhin dahil meron din silang karapatan na mabuhay sa ating mundo. Marami kasing klaseng hayop na naninirahan sa ating mundo ito ay mga nakatira sa kagubatan, nakatira sa tubig at meron ding hayop na panghimpapawid. Ang tatlong klaseng hayop na ito na nakatira sa kanilang sariling mga lugar ay kanya- kanya din nila itong pinoprotektahan Sila ang namamahala sa kanilang mga sariling tahanan. Ang endangered species ay sila iyong mga hayop na kakaunti nalang ang bilang at malapit nang maubos ang kanilang lahi kaya pangalagaan natin ang mga hayop na nakapaligid sa atin at mahalin sila katulad ng pagmamahal natin sa ating kapwa. Ituring natin silang kapamilya at palaganapin natin ang kanilang lahi.