Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Quarter 4 Week 3
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.
Nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10 ang mga pangunahing kakayahang ito: (a) Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa-tao, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninindigan sa Kabutihan.