Araling Panlipunan Q4 Week 1-2
Ang mamamayan ay isa sa mahahalagang salik na bumubuo sa isang estado. Bilang bahagi ng yamang-tao, malaki ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa pag-unlad ng isang bansa. Taglay ng mga ito ang talino, kakayahan, at lakas-pisikal na siyang pangunahing kailangan upang makamit ng isang bansa ang ganap na kaunlarang pang-ekonomiya, pampolitika, panlipunan, at pangkultura. Dahil dito, nararapat na maging ganap din ang pakikilahok ng mamamayan sa anumang usapin, programa, proyekto, at iba pang mga gawaing naglalayong mapaunlad at mapabuti ang kalagayan ng lipunan at pamumuhay ng lahat ng mamamayan.