Edukasyon sa Pagpapakatao 9 -Quarter 4
"Handa ka na ba?" ang malimit na tanong ng taong hinihintay ang iyong paghahanda sa isang gawain. Madalas ito rin ang linya ng iyong guro bago ang pagsusulit o di kaya naman ito ay nasasambit ng isang Game Master sa kaniyang contest bago magsimula ang kompetisyon o laro. Kawili-wiling tanong ngunit nakakagulat kung paano ito sasagutin nang mabilisan. Ikaw, handa ka na rin bang pumili ng nais mong track o kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School (Baitang 11 at 12)? Ito na ang huling markahan bago magtapos ang iyong taon sa Baitang 9, ngunit bago ito mangyari, kailangan mo munang magpasiya at pumili para sa iyong sarili kung ano ang nais mong kuning track o kurso. Nais mo bang masagot ang mga tanong na iyan nang sigurado ka at nang walang alinlangan? May mga dapat bang pagbatayan sa mga pagpili mong ito, o sapat na bang makinig na lamang at umasa sa mga taong nakapaligid sa iyo? Ang mga tanong na iyan ay malinaw na sasagutin at ipaliliwanang sa nakapaligid sa iyo ng modyul na ito kasama na ang susunod na tatlo pang bahagi ng markahang ito. Ang mga kaalaman na makukuha mo riot ang magsisilbing unnag hakbang patungo sa direksiyong minimithi mo at ang pangarap ng mga taong sa iyo ay nagtitiwala.
Inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong pagkatapos ng modyul na ito: Bakit mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong Akademik, Teknikal- Bokasyonal, Sining at Disensyo, at Isports?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan , at pag-unawa:
13.1 Natutukoy ang nga pagbabago sa iyong pansariling salik (talento, kasanayan, hilig,pagpapahalaga, at mithiin) mula Baitang 7 hanggang ngayon at naiuugnay ang mga ito sa pipiling track o kursong akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disensyo, at isports.
13.2 Nasusuri ang mga pansariling salik na nagsasaalang-alang ng mga panlabas na salik(kakayahang pinansyal, lokal na demand, pamilya, paaralan, at kaibigan o barkada) sa pipilling track o kursong akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disensyo, at isports.
13.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
13.4 Nakagagawa ng mga hakbang upang paghandaan ang napiling track o kursong akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disensyo, ay isports.