Araling Panlipunan 9- 4th Quarter
Matapos matalakay ang mga batayang konsepto sa ekonomiks, nararapat din na makilala ang iba't ibang sektor ng ekonomiya. Ang mga sektor na tinalakay sa mga nakaraang aralin ay may kinalaman sa sektor ng pananalapi. Ang daloy ng pananalapi sa ekonomiya ang pinakapangunahing pokus ng naging talakayan. Samantala, ang mga sektor pang-ekonomiya ay nakapokus sa daloy ng mga produkto at serbisyo at ang kaugnayan nito sa kabuuang kita ng bansa. Ang ugnayan na nagaganap sa loob at labas ng mga sektor ay inaasahang nakaaapekto sa bansa. Ito ang isa sa mga indikasyon ng isang matatag at malusog na ekonomiya. Ayon na rin sa mga ekonomista, ang bansang may matatag na mga sektor ay may potensyal na makapagtamo ng kaunlaran. Mas mataas na empleyo at malaking ambag sa pambansang kita ay maaaring maghatid tungo sa mas maayos, maunlad, at may kalidad na pamumuhay.
Ngunit sa katotohanan, hindi madali ang daan para maabot ang kaunlaran. Hindi ito kayang gawin ng sektor lamang. Bawat isa ay may napakahalagang papel na ginagampanan upang masiguro ang maayos na takbo at daloy ng ekonomiya ng bansa. Sa ganitong perspektibo, patuloy na nagsisikap ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor. Ngunit sapat ba ang mga programa at batas na isinusulong ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga nasabing sektor pang-ekonomiya? Ano-ano ba ang kinakaharap na hamon ng bawat sektor? Ang mga patakarang pang-ekonomiya bang ito ay talagang nakakatulong sa kanila upang maabot ang matagal nang pinapangarap na kaunlaran?
Dahl dito, bilang isang mamamayang Pilipino na nagnanais na makaranas ng kaunlaran, halina at samhan mo ako sa pagtuklas at pagsuri sa kung paano hinaharap ng mga sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.