104584 - Old San Jose ES
104584-Old San Jose Elementary School-Araling Panlipunan 3-Quarter 4-Module 1:Kapaligiran at Ikinabubuhay sa  mga Lalawigan ng Rehiyong  Kinabibilangan

104584-Old San Jose Elementary School-Araling Panlipunan 3-Quarter 4-Module 1:Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan ng Rehiyong Kinabibilangan

              Maligayang pagdating sa Ikaapat na Yunit ng Araling Panlipunan! Sa Ikatlong Yunit, lubos mo pang nakilala ang iyong lalawigan, pati na ang mga karatig na lalawigan nito sa loob ng isang rehiyon. Napag-aralan mo na ang mga katangiang kultural ng iyong lalawigan katulad ng mga tanyag na pagkain, sining, tradisyon at pagdiriwang. Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa lalawigan. Sa kapaligiran din nagmumula ang mga ikinabubuhay ng mga tao sa isang lugar. Iniuugnay rin ng mga tao ang uri ng kasuotan, pananim, at gawain sa kanilang kapaligiran. Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan ng kinabibilangang rehiyon at sa mga lalawigan ng ibang rehiyon (AP3EAP-IVa-1) Sa araling ito, inaasahang ikaw ay: 1. nakapag-uugnay ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng kinabibilangang lalawigan o lungsod; at 2. nakapaglalarawan ng uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang lalawigan o lungsod ayon sa kapaligiran.